Connect with us

Iloilo News

Mga batang na-trap sa balkonahe ng nasusunog na gusali, nagmakaawang iligtas

Published

on

Larawan mula sa lovebylife.com

Isang sunog ang naganap nitong madaling araw sa isang 14-palapag na apartment complex sa Buenos Aires, Argentina.

Ayon sa isang saksi, nakarinig umano siya ng pagsabog bandang madaling araw bago naganap ang sunog.

Dagdag pa niya, “Cries for help were heard, we saw children, there was a lot of smoke. I saw two children as if leaning out on the balcony.”

Agad namang rumesponde ang mga bumbero dito, kung saan naisalba nila ang mga nasa gusali kabilang ang isang 9-taong gulang na batang babae, isang lola, isang buntis, at ilang mga bata kung saan 5 sa mga ito ang nasa kritikal na kalagayan.

Kinumpirma din ni Alberto Crescenti, spokesperson ng  Emergency Medical Care System ng lungsod, na 5 katao na ang naitalang nasawi kabilang na ang tatlong bata kung saan dalawa rito ay 3 taong gulang pa lamang. Kasama rin sa nasawi ang dalawang babaeng 19 taon at 49 taong gulang.

Pinaniniwalaan ding ang mga nasawi ay pawang nakatira sa parehong palapag kung saan nagsimula ang apoy.

Patuloy pa ring inaalam ang dahilan ng sunog.

Continue Reading