International News
20 katao, natagpuang patay sa isang nightclub sa South Africa; sanhi ng kanilang pagkamatay, hindi matukoy
Patuloy pa rin iniimbestigahan ng South African police ang sanhi ng pagkamatay ng 20 katao na natagpuang wala nang buhay sa isang nightclub sa East London ngayong Linggo ng umaga.
Natagpuan umano ang mga bangkay na nakahandusay sa mga upuan at lamesa subalit hindi ito nakitaan ng mga sugat.
Iniulat na dumalo umano sa isang party ang mga biktima upang ipagdiwang ang end-of-winter school exams.
Sa ngayon ay hindi pa klaro kung ano ang sanhi ng pagkamatay ng mga ito.
“At this point we cannot confirm the cause of death,” ani Siyanda Manana, ang tagapagsalita ng health department .
“We are going to conduct autopsies as soon as possible to establish the probable cause of death. The deceased have been taken to state mortuaries,” dagdag pa ni Manana.
Sinabi naman ng may-ari ng club na si Siyakhangela Ndevu na hindi siya makapaniwala sa nadatnan nang ipinatawag siya sa lugar ng pinangyarihan nang umagang iyon.
“I am still uncertain about what really happened, but when I was called in the morning I was told the place was too full and that some people were trying to force their way into the tavern,” ani Ndevu.
“However, we will hear what the police say about the cause of death,” dagdag niya.