Connect with us

Aklan News

KAMARA, INUDYUKAN NI CONG. MARQUEZ NA IMBESTIGAHAN ANG BORACAY PADDLERS INCIDENT

Published

on

Inudyukan ni Congressman Carlito Marquez ang mga miyembro ng House of Representatives na imbestigahaan ang nangyaring trahedya sa Boracay Island na nagresulta sa pagkalunod ng pitong (7) paddlers noong September 25.

Sa resolusyon na isinumite ni Marquez noong Septyembre 30, layon niyang magkaroon ng pagsisiyasat tungkol sa pagkamatay ng pitong paddlers habang sila ay nagsasanay sa Sitio Tulubhan sa Barangay Manocmanoc para sa isang international racing competition.

Sinabi ni Marquez sa House Resolution No. 385 na kailangan maituro sa mga myembro ng Philippine Dragon Boat Federation (PDBF) ang mga alituntunin sa panahon ng insidente katulad ng pagkalunod.

Samantala, sinabi naman ng PDBF sa isang pahayag na sinisiguro nila na ang kanilang mga miyembro ay gumagamit ng personal flotation devices habang nagsasanay at mahigpit itong ipinapatupad tuwing may local regattas upang maiwasan ang mga disgrasya.

Samantala, muling sinuri ni Natividad Bernardino, General Manager ng Boracay Inter-Agency Rehabilitation Management Group (BIARMG) noong Lunes and Boracay Comprehensive Emergency Response Program bunsod ng nangyaring trahedya sa Boracay.

Ayon sa kanya nakapagbuo na sila ng mga rekomendasyon sa pagpapatibay ng safety protocols at pag-aayos ng emergency response ng lahat ng ahensiya.

Ito ang ipinahayag ni Bernandino pagkatapos ng isa niyang meeting na dinaluhan ng mga stakeholders sa isla.

Kabilang sa mga dumalo sa nasabing meeting ay ang local government unit ng Malay, mga water sports association, lifeguards, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, Philippine Navy, Philippine Coast Guard, PNP-Maritime Police, at Department of Tourism.

Dagdag pa ni Bernardino may pagkukulang din ang nasabing dragon boat team sa pagpapatupad ng kanilang safety protocols bilang miyembro ng PDBF.

Aniya ang dragon boat activities ay hindi regulated na water sports ng Malay at walang kaukulang ordinansa dito.

Kailangang umanong ma-amyenda ang kasalukuyang municipal ordinance upang masama itong dragon boat activities.