Aklan News
Mayor Sucro, ipagpapatuloy ang magandang nasimulan ng nagdaang administrasyon
IPAGPAPATULOY ni Kalibo Mayor Juris Sucro ang magandang nasimulan ng nagdaang administrasyon.
Ito ang pagpapasiguro ng bagong alkalde sa kanyang maikling mensahe sa isinagawang pinaka-unang flag raising ceremony ng lokal na pamahalaan ng Kalibo matapos maluklok sa pwesto.
Tutuparin din aniya ni Sucro ang kanyang mga ipinangako noong panahon ng kampanya.
“Ro akong mga ginpangako ku kampanya, I know it shoud be done, and it will be done,” ani Mayor Sucro.
“Ro akong pagiging alkalde, uman it’s a blessing, because its an honor, curse dahil abong atubangon nga mga problema but with the help of Vice Mayor Cynthia Dela Cruz and councilors I know it will be possible,” dagdag pa nito.
Giit pa ng alkalde, walang magiging problema sa ilalim ng kanyang panunungkulan basta’t gawin lamang ng mga empleyado ang kanilang trabaho para sa patuloy na pag-unlad ng bayan ng Kalibo.
Hinikayat din nito ang mga empleyado na huwag mag-alinlangang lapitan siya anumang oras ng kanilang problema o pangangailangan.
“I don’t care about you political affiliation and political color as long as you do your job owa kitang maging problema. If my problema o concern sa inyong trabaho, kakon kamo daeagan indi nakon kamo pabay-an,” saad pa ni mayor Sucro.