Connect with us

Aklan News

MAHIGPIT NA ALITUNTUNIN SA DRAGON BOAT ACTIVITIES, HININGI NI CONG. HARESCO SA DILG

Published

on

Kasunod ng trahedya na nangyari sa Dragon Boat team kung saan 7 ang namatay sa pagkalunod, hiningi ni Aklan 2nd Dist. Cong. Ted Haresco kay Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Eduardo Año na higpitan ang alituntunin sa dragon boat activities sa Boracay.

Sa letter request na pinadala ni Cong. Haresco kay Sec. Año, hiniling niya dito na magpalabas ng memorandum sa LGU concerned para sa agarang pagpapatigil ng dragon boat activities sa isla hangga’t hindi pa estable at nasusunod ang safety protocols.

Ganon din ang pag-utos sa LGU na magpalabas ng klaro at detalyadong safety protocols, regulasyon at tamang sistema sa dragon boat at watercraft activities na estriktong ipapatupad nito.

Dapat din umano na ang dragon boat vessels at dragon boat association kalakip ang mga myembro nito ay rehistrado sa regional office ng Maritime Industry Authority (MARINA) ganon din ang LGU bago sila papayagang magsagawa ng water activities o sumali sa kumpetisyon.

Layunin umano nito na malaman ng LGU ang anumang dragon boat activities sa kanilang nasasakupan para mapaghandaan ang mga sakuna at mga hindi inaasahang pangyayari.

Humiling din ang kongresista sa DILG na magpatayo ito ng apat (4) na watchtowers sa mga kritikal na lugar isa na dito kung saan nangyari ang dragon boat tragedy.

Ayon pa kay Haresco para maisakatuparan ang lahat kailangan maglagay ang DILG ng kahit 12 new police recruits na bihasa sa maritime disaster at rescue operations, pagsasagawa ng patrol activities at taga-bantay sa mga watchtowers.

Ganon din ang pagsasagawa ng pagsasanay sa mga volunteers sa Boracay na sa kalaunan ay sila na ang magpapatrolya at magsasagawa ng rescue operations kung kinakailangan.