Weather
Maulan na panahon ang aasahan ngayong linggo – PAGASA
Ayon sa PAGASA magiging maulan ang panahon ng bansa ngayong linggo dahil sa Habagat (Southwest Monsoon) at Low Pressure Area (LPA) na namataan nila sa may area ng Quezon.
Kaninang 3:00 AM, namataan ang LPA na nasa 635 km East ng Infanta, Quezon. Ito ay batay sa bulletin ng PAGASA kaninang 5:00 AM. Bunsod nito, maapektuhan ng Habagat ang Kanlurang bahagi ng Southern Luzon, Visayas at Mindanao.
Magkakaroon ng maulap na may scattered rainshowers at thunderstorms ang Western at Central Visayas, Palawan kabilang ang Kalayaan Islands at Occidental Mindoro dulot ng Habagat.
Samantala, katamtaman hanggang sa malakas na hangin mula sa Timog-Kanluran hanggang Timog ang mananaig sa Palawan kabilang ang Kalayaan Islands, at Occidental Mindoro na may katamtaman hanggang sa malakas na alon sa karagatan.
Mahina hanggang sa katamtamang hangin naman mula sa Timog-Kanluran hanggang Kanluran ang mananaig sa Visayas na may mahina hanggang sa katamtamang alon ng karagatan.
Sinabi ng PAGASA na ang LPA ay hindi magiging isang tropical cyclone “at least in the next two days.”