Aklan News
Special ward para sa mga ina na kailangang magsagawa ng Kangaroo Mother Care sa kanilang mga premature baby, binuksan ng Aklan Prov’l Hospital
Binuksan na ang special ward na kung tawagin ay Kangaroo Mother Care Unit sa Dr. Rafael S. Tumbokon Memorial Hospital nitong Biyernes, Hulyo 8.
Ang Kangaroo Mother Care Unit ay ginawa para sa mga ina na mayroong premature o low birthweight na sanggol.
Ang Kangaroo Mother Care (KMC) ay isang paraan ng pag-aalaga sa mga premature baby sa pamamagitan ng skin-to-skin contact o pagbuhat sa kanila na nagdidikit ang mga balat at pagbibigay sa kanila ng exclusive breastfeeding upang matulungan mapataas ang kanilang chance of survival.
Pinangunahan naman ng Aklan Provincial Hospital ang inagurasyon at blessing ng nasabing special ward na dinaluhan din ng representante mula sa World Health Organization (WHO) at Korea International Cooperation Agency Philippines.
Samantala, nagpa-abot naman ng pasasalamat ang Aklan Provincial Government sa mga partner agencies na WHO at KOICA sa patuloy na pagbibigay suporta sa mga health programs ng lalawigan ng Aklan.