Aklan News
‘Critically Endangered’ Green Sea Turtle, pinakawalan sa baybaying sakop ng Batan
PINAKAWALAN ng mga otoridad ang isang ‘critically endangered’ Green Sea Turtle sa baybaying sakop ng bayan ng Batan kahapon, Hulyo 11.
Ang naturang Green Sea Turtle ay napadpad sa bahagi ng barangay Ipil, Batan kung saan nakita ito ng isang residente na kaagad namang ipinagbigay-alam sa kinauukulan.
May timbang ito na 15-kilo at may sukat na 17 pulgada ang haba at 16 pulgada ang lapad na may scientific name na Chelonia Mydas.
Ayon sa Batan Municipal Agriculturist, pinapangambahan ng maubos ang lahi ng nasabing sea turtle kung kaya’t ipinagbabawal ang paghuli, pagbebenta at pagpatay ng mga ito.
Ang sinuman na mahuling lalabag dito ay maaaring makasuhan at patawan ng penalidad.
Napapadpad ang mga green sea turtle sa baybayin upang mag-breed dahil itinuturing nilang nesting ground ang mga baybayin lalo na kung mayroong seagrasses beds.
Hindi rin umano ito ang unang beses na may mga napapadpad na ganitong species dahil sa mga seagrasses sa ilang bahagi ng coastal areas sa lalawigan ng Aklan.
Ang green sea turtle ay itinuturing na largest hard-shelled sea turtle kung saan kakaiba ito sa ibang mga sea turtles dahil sila ay herbivores o kumakain lamang ng seagrasses at algae.
Ito ang nagbibigay ng berdeng kulay sa kanilang taba at hindi sa kanilang shell.