Connect with us

Aklan News

Listahan ng P1000 na ayuda sa mga TODA, pinaplantsa pa – LTFRB6

Published

on

Ibinalik ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Department of the Interior and Local Government (DILG) ang listahan ng mga tricycle drivers na bibigyan ng fuel subsidy.

Sa panayam ng Radyo Todo kay LTFRB6 Region VI spokesperson Atty. Salvador Altura Jr., sinabi niya na ipinabalik nila sa DILG ang listahan dahil sa mga naobserbahang “inaccuracy at duplications” sa mga pangalan na nakalista.

Hinihintay pa nila na muli itong ipasa ng DILG bago ipaalam sa mga LGU ang validated list ng mga kuwalipikadong benepisyaryo.

Ayon kay Atty. Altura, P1000 ang matatanggap na ayuda ng mga traysikel drivers na idadaan sa kanilang mga e-wallet o Gcash accounts.

“In the process of identifying these beneficiaries, may specific instructions naman ang DILG on how the beneficiaries can use their e wallet account, amo lang na, once we get that [final list], ipadala namon insigida sa nagakalain-lain gna kabanwahan sa rehiyon,” aniya.

Sa tantiya ni Altura, posibleng matangggap na ng mga trike drivers ang ayuda ngayong buwan kapag naibalik na ng DILG sa LTFRB ang listahan sa nakalipas na dalawang lingo.

Nakahanda na rin kasi aniya ang pondo para rito at naghihintay na lang namaipamigay sa mga karapatdapat na makatanggap nito.