Connect with us

Aklan News

AKELCO Board president, nagpaliwanag tungkol sa planong ipataw na 10% penalty sa mga ‘di agad makabayad ng kuryente

Published

on

NAGPALIWANAG si AKELCO Board President Engr. Ike Ileto kaugnay sa planong pagpataw ng 10% surcharge sa mga hindi agad makabayad ng kuryente.

Sa panayam ng Radyo Todo, ipinahayag niya na ang planong pagbalik ng surcharge ay napag-usapan sa executive committee na binubuo ng mga department at division managers ng AKELCO.

Nakumbinsi ang board na ibalik ang pagpataw ng surcharge dahil sa mga dahilan na inilatag ng executive committee.

Isa na rito ang gastos sa distribution ng notice of disconnection na ipinamimigay sa mga di makabayad bago ang due date.

Pangalawa ay para maiwasang mangutang ang AKELCO sa bangko para iabono sa kulang na koleksyon.

Aniya, malaki ang interes ng utang sa bangko pero kailangan ito para makabayad sila sa mga power supplier sa tamang oras at maka-avail ng 3% payment discount.

“Nakita namon sa board nga tama man dahil ro aton nga expenses sa notice of disconnection ginabayaran man. Kun makabayad kita on time sa aton nga power supplier hay indi eon kita maghueam sa bangko, aton ab inga hueam sa bangko hay naga earn man it interes,” paliwanag ni Ileto.

Dagdag pa niya, 7 araw lang ang palugit na ibinibigay sa kanila ng ibang supplier para makapagbayad.

“Ro anda nga ginatao katon hay 7 days, ro penalidad hay i-disconnect dayun nanda ro AKELCO. Sa Greencor, utod eagi dayun at indi na maka-avail it discount,” saad pa niya.