Aklan News
Resolusyong magkaroon ng DFA regular mobile passporting sa Aklan, aprubado ng Sangguniang Panlalawigan
Inaprubahan ng Aklan Sangguniang Panlalawigan ang resolusyon hinggil sa regular deployment ng Mobile Passporting ng Department of Foreign Affairs sa lalawigan ng Aklan.
Ayon kay SP member Mark Vega Quimpo, may akda ng nasabing resolusyon, layunin nitong mapadali ang pagkuha at pag-renew ng pasaporte ng mga Aklanon.
“Very recently, by virtue of a resolution passed by the Sangguniang Bayan of Kalibo, the Department of Foreign Affairs deployed its passport on wheels program for the town of Kalibo which was availed of by 800 Kalibonhons,” saad ni Quimpo.
Dagdag pa nito, “It is for this reason that I respectfully submit this resolution with the hope that the Passport on Wheels program will again be deployed in Aklan for the benefit of all Aklanons.”
Sa kasalukuyan, ang pagkuha ng pasaporte ay thru online ngunit kinakailangan pa ring magtungo sa DFA Regional Office 6 bago makuha ang mismong passport.