Connect with us

Aklan News

Pagsasa-ayos ng Libtong Road sa Estancia, isinusulong ng SB Kalibo

Published

on

Photo Courtesy: Screengrab from Google Map

Isinusulong ngayon ng Sangguniang Bayan ng Kalibo ang resolusyong naglalayong magkaroon ng pondo para sa pagsasa-ayos at rehabilitasyon ng kalsada ng Sitio Libtong, Estancia mula sa bahagi ng St. Peter hanggang sa Infant Jesus School.

Sa panayam ng Radyo Todo kay SB member Matt Aaron Guzman, sinabi nito na oras na para maayos naman ang nabanggit na kalsada.

Aniya, marami nang mga request para dito ngunit wala namang aksyon dahil sa nagtuturuan ang mga kaukulang ahensiya kung ito ba ay sakop ng provincial road o bahagi ng municipal road.

Saad pa nito, mas makabubuti kung sino man ang gumuwa nito noon at kung kanino nakatuka ay bigyan na ito ng aksyon.

“Do point ko malang karon, kabuhay eon ro mga request ngaron pag-abot sa rehabilitation, pag-repair. Kunta indi eon magtueor-an eon kundi kung sin-o man nag-obra dati ag kung kanyo gid man imaw naka-assign hay taw-an lang imaw it aksyon,” pahayag ni Guzman.

Dagdag pa nito, mga mamamayan din ang makakabenepisyo nito lalo na ang mga dumadaan dito araw-araw na nagmamadali gaya nang mga nag-oopisina dahil ito ang shortcut na daan patunggong Kalibo proper.

“Kasi ro magabenepisyo man karon hay ro atong pumueoyo nga naga-agi karon adlaw-adlaw especially sa mga oras nga masako – kapin kung agahon, pauli sa hapon, mga naga-opisana baea. Dikaron abi ro shortcut. That’s why nga naisip ko dapat hay time eon da imaw,” giit ng konsehal.