Connect with us

Aklan News

Barbero na dating nakulong dahil sa pagbebenta ng droga, muling naaresto

Published

on

Arestado ang isang lalaki na dati na umanong nakulong dahil din sa pagbebenta umano ng ilegal na droga.

Sa ikinasang buy bust operation ng Ibajay PNP bandang alas 3:50 kaninang madaling araw sa San Isidro, Ibajay naaresto ang suspek na si Aldwin Andrade, 45 anyos ng nasabing lugar.

Sa nasabing buy bust operation, narekober ang 1 sachet ng suspected shabu kapalit ng P 1, 250.00 buy bust money, habang 4 na sachet pa ng nasabing droga ang narekober mula sa sling bag ng suspek nang isailalim ito sa body search.

Bamaga’t aminado ang suspek na dati siyang na buy bust at nakulong dahil din sa pagbibenta umano ng ilegal na droga, mariin naman nitong itinanggi ang mga narekober mula sa kanya sa ikinasang buy bust operation.

Ayon naman kay PCpt.Mark Darrell Villanueva, Acting Chief of Police ng Ibajay PNP, nasa 3 buwan umano nilang minanmanan ang suspek kung saan nabatid na gumamit pa umano ito ng ilegal na driga nitong mga nakaraang linggo.

Kaagad namang inaresto ang suspek at pansamantalang ikinostodiya ng Ibajay PNP, habang inihahanda ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Act of 2002 partikular sa Section 11 (possession at Section 5 selling) na isasampa laban sa kanya.

 

Samantala, nabatid na nakapag plea bargaining ang suspek noong taong 2019 subali’t muli na naman umano itong bumalik sa kanyang gawain.