Connect with us

Aklan News

“10% surcharge, masyadong pabigat sa mga consumers” – dating AKELCO GM Bucoy

Published

on

Ipinaliwanag ni dating Aklan Electric Cooperative (AKELCO) General Manager Erico Bucoy kung bakit sinuspende nila ang 10% surcharge noon.

Sa ekslusibong panayam ng Radyo Todo, inilahad niya na mababa ang collection efficiency ng AKELCO bago paman siya mag take-over sa AKELCO noong 2002 pero nang tanggalin nila ang surcharge ay mas tumaas pa ang koleksyon dahil nakabayad na ang mga kunsumidor.

Dalawang bagay raw ang ikinunsidera nila sa pagtanggal ng surcharge noon, ito ay ang hindi malinaw na serbisyo ng AKELCO at ang pagiging pabigat ng surcharge sa mga kunsumidor.

“Una is that, there was a very poor service, poor service ng AKELCO and mag impose ka pa ng surcharge eh wala ka ngang malinaw na serbisyo, mukhang unfair naman sa consumers.

“Pangalawa, masyadong naging pabigat yung 10% surcharge sa mga consumers,” lahad niya. “So we asked the ERC and DOE to consider suspending the surcharge.”

Giit ni Bucoy, dagdag pasanin lang ito sa mga kunsumidor gayong hindi na sila makabayad ng orihinal na bill.

“Mas ma burden yung consumers, kasi may additional na 10%, hindi na nga makabayad sa original bill, pabayarin mo pa ng 10% so lalong lalaki yung binabayaran, eh magpapatong-patong yan,” saad pa ng dating AKELCO GM.

Dapat raw na magkaroon pa muna ng public hearing at dumaan ito sa Energy Regulation Commission (ERC) bago ipatupad.

Sa gaganaping Annual General Membership Assembly (AGMA) sa Hulyo 30, maaari pang magpaabot ng pagtutol sa balak ipataw na 10% surcharge ang mga kunsumidor.

“May avenue naman ang consumers because they cannot just impose that without through a public hearing. Pwedeng habulin sa AGMA yan ng mga oposisyon, but at any rate, you still have to go through ERC approval. Any rate imposed on the utilities, on the consumers has to go to the approval of the ERC,” dagdag na pahayag ni Bucoy. RT/MAS