Aklan News
Lasing na rider ng motorsiklo, sugatan matapos mahulog sa kanal
Sugatan ang isang rider ng motorsiklo matapos itong mahulog sa kanal alas-2:20 kaninang madaling araw, sa highway ng Poblacion, Numancia.
Nakilala ang biktimang si Patrick Angelo Dionisio, 25-anyos ng Archangel, Balete.
Base sa report ng Numancia PNP, lasing na nagmaneho ng motorsiklo ang biktima habang binabaybay ang highway papunta sa direksyon ng Badio, Numancia, nang mawalan ng kontrol sa manibela.
Dahil dito, bumangga muna sa bakod na yero sa gilid ng kalsada ang biktima bago nahulog sa kanal pati na ang kanyang motorsiklo.
Ayon pa sa Numancia PNP, posible umanong nakatulog dahil sa kalasingan ang biktima habang nagmamaneho kung kaya’t naaksidente.
Kaagad namang rumesponde ang MDRRMO Numancia at binigyan ng pangunang lunas ang biktima bago dinala sa pagamutan kung saan siya kasalukuyang ginagamot.