Connect with us

Aklan News

Reimposition ng 10% surcharge ng AKELCO, muling tatalakayin sa susunod na AGMA

Published

on

TATALAKAYIN na lamang sa susunod na Annual General Membership Assembly (AGMA) ang balak ng AKELCO na pagpataw ng 10% surcharge sa mga konsumidor na hindi makabayad sa tamang oras.

Ito ang napagkasunduan ng mga member-consumer/owner ng kooperatiba sa isinagawang AGMA nitong Sabado, Hulyo a-30 sa ABL Sports Complex, Kalibo.

Umani kasi ng negatibong reaksyon ang balak na 10% surcharge ng AKELCO dahil ito ay magiging dagdag-pasanin sa mga Aklanon.

Maguginitang nagsagawa na ng legislative inquiry ang Sangguniang Panlalawigan kung saan mariin nilang tinutulan ang reimposisyon ng 10% surcharge ng Akelco dahil hindi anila ito napapanahon at patuloy pa rin tayong nakikipaglaban sa krisis dulot ng COVID-19 pandemic.

Bago pa man ang AGMA nagpasa ng resolusyon ang Sangguniang Bayan ng Kalibo, Sangguniang Bayan ng Ibajay at Sangguniang Bayan ng New Washington upang ipahayag ang kanilang hindi pagsang-ayon sa nasabing surcharge.