Aklan News
Aklan, Top 3 province sa efficiency of locally source revenues for FY 2021 ng BLGF
PUMANGATLO ang lalawigan ng Aklan sa may mataas na collection efficiency sa buong bansa.
Ito ay batay sa inilabas na listahan ng Bureau Of Local Government Finance para sa National Top Performing Provinces, Cities, and Municipalities in Local Revenue Generation for FY2021.
Mula sa target na 321.18 M, naka-kolekta ang Aklan ng 395.29 M o katumbas ng 123.1% na collection efficiency para sa lalawigan.
Ang naturang pagkilala ay iginawad sa lalawigan ng Aklan dahil sa pagsisikap ng mga local government units (LGUs) upang magkaroon ng sustainable growth at epektibong local fiscal management.
Continue Reading