Connect with us

Aklan News

Istriktong implementasyon ng Anti-Drunk And Drugged Driving Act, isinusulong ng SB Kalibo

Published

on

Isinusulong ngayon sa Sangguniang Bayan ng Kalibo ang istriktong implementasyon ng RA 10586 o Anti-Drunk And Drugged Driving Act.

Ayon kay Vice Mayor Cynthia Dela Cruz, karamihan sa mga aksidente sa bayan ng Kalibo ay dahil sa pagmamaneho  ng lasing.

Aniya pa ang may pinakamataas na numero ng mga aksidente ay naitala sa barangay Poblacion.

Dahil dito, nais ng bise-alkalde na susportahan ni Mayor Juris Sucro ang kanilang isinusulong na implementasyon ng RA 10586 sa bayan ng Kalibo sa pamamagitan ng pagbili ng breath analyzer.

Batay sa datos ng Kalibo Municipal Police Station, mayroon ng 141 na aksidente ang naitala mula buwan ng Enero hanggang Hulyo na ang pangunahing dahilan ay pagmamaneho ng lasing.