Aklan News
“Tagrakan Sa Karsadahan” Mountain Bike Criterium Race 2022, aarangkada na bukas
AARANGKADA na bukas ang kauna-unahang “Tagrakan sa Karsadahan” Mountain Bike Criterium Race sa Tigayon Diversion Road sa bayan ng Kalibo.
Sa panayam ng Radyo Todo kay Kalibo Panjackers President Jiffrey Arcenio, sinabi nito na matagal na nilang pangarap na magkaroon ng mountain bike race sa bayan ng Kalibo at sa buong lalawigan ng Aklan.
Aniya, dahil sa pandemya, natigil ang mga siklista sa kanilang nakasanayan at nakagisnan kung kaya’t pagkakataon na ito para sa kanila lalo na sa mga bicycle enthusiast na muling pumadyak.
Saad nito, ang magaganap bukas ay isang karera o tinatawang nilang mountain bike creterium.
“Karera ta ra. Raya ngara nga karera is mountain bike criterium nga ginatawag. So paghinambae naton nga criterium, dikaron eat-a kita sir sa sangka lugar nagatiyog-tiyog. So ginahuyap ra imaw per lapse,” salaysay nito.
Samantala, tinawag naman aniya nila itong tagrakan dahil ito ang terminolohiya nila kapag nagbibisikleta hanggang maubos ang kanilang lakas.
“Amu ra nga gin-dubbed namon imaw “tagrakan.” Kasi ro term nga tagrakan, permi namon ginagamit kung mag-bike is ueubosan it puwersa hasta ikaw magtagrak, hasta ikaw maubusan it pwersa. So kung maubusan ka it puwersa, tawgon kimo, nagtagrak ikaw,” paliwanag nito.
Ang nasabing mountain bike criterium race ay bukas sa lahat at mayroong sampung criteria na kinabibilangan ng Newbie (All Aklanon); Fat Boys; 15 below; 16-19; 20-29; 30-39; 40-49; 50 above; women’s at mens open category.