Aklan News
“NAKONSENSIYA MAN AKO SIR DAHIL GINSUK-EAN KO” – si alyas “Paw” isa sa mga menor-de-edad na sangkot sa viral video sa Kalibo Pastrana Park
Inamin ni alyas “Paw”, isa sa mga menor-de-edad na sangkot sa viral video na nakokonsensiya at hindi niya gusto ang nangyaring rambol sa pagitan niya at kapwa niya kabataan nitong nagdaang araw sa Kalibo Pastrana Park
Sa katunayan aniya ay hindi siya kasali at wala siyang grupo sa mga kabataan doon dahil namamasyal lamang umano siya kasama ng kanyang mga pinsan.
Ngunit, hinamon siya ng isa sa mga kabataan na nasa viral video na makipag-away sa kanya.
Giit nito, wala siyang balak makipag-away dahil ayaw niyang patulan ang mga ito subalit mukhang pinagtripan siya ng mga grupo ng ibang kabataan kung kaya’t humantong sila sa rambol.
“Dapat abi sir, ana ta nga kaibahan ang imaw ro kabaeaywan hay nakita ta nana ako nga gahipos sa binit, ako ta ro anang tinarget, parang gintripan ako nanda ngaron hu,” saysay ni alyas Paw.
Kwento pa nito, halos kasing-edad niya lamang ang naturang mga kabataan at hindi niya kilala ang mga ito.
Ngunit sa kanyang pagkaka-alam ay pareho lang din silang residente ng C. Laserna, Kalibo.
Saad pa nito, tahimik lamang siya kung kaya’t maaaring siya ang nakursunadahan.
“Dapat indi ko ta pagsakiton sir. Naghambae ako kana nga basi masakit ta makon. Sa unang-una palang sir nga gina-ayat na ako kato hay hambae ko kana hay, ‘indi ako magsukoe kimo basi hisakit ta makon’ owa gid-a sir. Ginapilit gid nanda sir,” dagdag pa nito.
“Nakonsensiya man ako sir dahil ginsuk-ean ko ta sir dahil may tinun-an ako sa taekwondo. Basi… hay imaw mat-a abi gapinilit sir,” pahayag pa ni alyas “Paw”.
Samantala, inihayag ni alyas “Paw” na kapag nasangkot uli siya sa kaparehong pagkakataon ay hindi na niya ito uulitin dahil ito ay hindi tama.
“Indi eot-a sir, bukon gid it mayad.”