Aklan News
SP Aklan, magsasagawa ng legislative inquiry hinggil sa hinaing ng mga hog raisers na pambabarat ng mga negosyante ng baboy


Magsasagawa ang Aklan Sangguniang Panlalawigan ng legislative inquiry hinggil sa hinaing ng mga hog raiser sa Aklan na pambabarat ng mga middlemen/traders ng baboy sa lalawigan.
Ayon kay Board Member Nemesio Neron kailangan maimbitahan ang lahat ng mga hog raisers, poultry raisers, stakeholders at lahat ng mga sector may koneksyon dito upang mapag-usapang mabuti kung ano ang kanilang magiging plano at disposisyon para sa ikabubuti ng lahat.
“Paglegislative inquiry hay pamue-on naton ro mga inputs, suggestions it stakeholders. Sa hog raisers, all sector nga connected sa aton nga mga hog raisers ag poultry raisers ngara agod matimpla naton tanan ro aton nga plano, basta ro akon ta nga gina-isip ngaron, everybody happy. Ruyon malang. Owa man kita it katuyuan sa kalibutan ngara kundi kung pwedeng mapalipay naton ro tanan,” ani Neron.
Aniya pa, umaapaw ang tubo ng mga negosyante ng baboy samantalang lugi naman ang mga hog raisers na nagsasakripisyo.
Giit pa ng opisyal, kailangan itong mabigyan ng agarang aksyon dahil ang pangunahing prayoridad ngayon ng pamahalaan ay ang food security.