Connect with us

Aklan News

Cong. Haresco kay Aklan Vice Gov Quimpo at SP: Kami ni Cong. Marquez at Gov. Joen ang mga biktima sa ginagawa nyo

Published

on

Hindi kumbinsido si Aklan 2nd district representative Teodorico Haresco sa ginawang pagbawi ng Aklan Sangguniang Panlalawigan sa pagdedeklarang persona non grata sa apat na mga congressmen na may akda ng bagong BIDA Bill.

Ayon kay Congressman Haresco, nasabi na ng Sangguniang Panlalawigan ang masasakit na salita at kumalat na ang balita na nakarating na rin sa Kongreso kung saan nasira na ang kanyang reputasyon sa kanyang mga kasamahan.

“Its all over national news. They spat it out, licked it back but a colleagues reputation is besmirched”, mensahe ni Haresco sa Radyo Todo.

Naunang nagpahayag ng pagkadismaya si Cong. Haresco matapos malaman nya na gumawa ng resolution ang Sangguniang Panlalawigan, sa pangunguna ni Vice Governor Reynaldo Quimpo, na idinedeklarang persona non grata sa Aklan sina Congressmen Luis Raymund F. Villafuerte ng 2nd District Of Camarines Sur, Congressman Tsuyoshi Anthony G. Horibata ng 1st District Of Camarines Sur, Congressman Miguel Luis R. Villafuerte ng 5th District Of Camarines Sur, at Bicol Saro Representative Congressman Nicolas C. Enciso VIII dahil sa pagsusulong nila ng Boracay Island Development Authority (BIDA).

Ayon kay Haresco, kinausap nya ang mga kasamahan nyang ito sa kongreso na bawiin ang proposed House Bill dahil nauna na itong kinontra ng mga Aklanon.

Nakumbinsi naman nya ang mga ito at aga na binawi ang panukalang batas.

Kaya laking gulat ng kongresista sa naging aksyon ng Sangguniang Panlalawigan kung saan sya diumano ang nabiktima.

“Nalulungkot ako na ‘yong mga kasama ko sa lokal na partido Tibyog ay nagfile din ng resolusyon [August 8]. Habang nagwi-withdraw ang apat na Congressman [nag-withdraw sila nung August 3] ay bumanat naman ang mga [SP] ng ‘Persona Non Grata’,” ani Haresco.

“Medyo ipinahiya ang mga Congressmen na nagwithdraw na. Na hindi man lang kinausap, hindi man lang ako kinausap na [kung] ano ba ang nangyayari”, dagdag pa nya.

Saad pa nito na, “Instead of “Tag Balay?” ginawa (nila) ako at si Cong. Marquez “Mga Tanga ng Balay” all for the sake of seeming to do something at my expense”.

Idinagdag pa ng mambabatas na dahil dito ay kailangan din ngayong magpaliwanag ni Aklan Governor Joen Miraflores kay Camarines Sur Governor Vincenzo Renato “Luigi” Villafuerte dahil sa ginawang pagdeklarang persona non grata sa kanyang pamilya sa Aklan.

“Kami ni Gov Joen nabiktima. Hindi lang ako napahiya, pati din sya. As VP for Visayas, League of Governors, he will also have to explain to Gov Villafuerte why Aklan provincial Vice Gov & SPs passed a persona non grata resolution against his Dad, Lray & brother Migz Villafuerte”, ayon pa kay Cong. Haresco.

Wala rin diumanong ginawang konsultasyon sa mga alkalde ng Aklan bago ito ipinasa.

“When the Provincial Gov’t of Aklan passes a resolution, that means Aklan (or all Aklanons) declares a group of Congressmen NOT WELCOME. Aklanon ako. Elected official ako & other Mayors too. Did you consult us before you officially spoke in our behalf?”, banat pa nya kay Vice Gov Quimpo at mga Sangguniang Panlalawigan members.