Connect with us

Aklan News

VG Quimpo, nanindigan na tama ang kanilang pagdeklarang ‘Persona Non Gata’ sa apat na mga kongresista

Published

on

MARIING nanindigan si Aklan Vice-Governor Reynaldo Quimpo na tama ang kanilang hakbang sa pagdeklarang ‘Persona Non Grata‘ sa apat na proponent ng House Bill 1085 o BIDA Bill 2.

Sa kanyang mensahe sa Regular Session ng Aklan Sangguniang Panlalawigan, binigyan-diin nito na hindi nagkamali ang SP Aklan sa pagpasa at pag-apruba sa resolusyong nagdedeklarang Persona Non Grata kina Cong. Luis Raymund F. Villafuerte ng 2nd District ng Camarines Sur, Cong. Tsuyoshi Anthony G. Horibata ng 1st District ng Camarines Sur, Cong. Miguel Luis R. Villafuerte ng 5th District ng Camarines Sur at Bicol Saro Representative Cong. Nicolas C. Enciso VIII sa lalawigan ng Aklan dahil sa muling pagbuhay nila ng BIDA Bill.

Ayon sa Bise-Gobernador, nang malaman nila ang tungkol sa HB 1085 ay kaagad silang nagpasa ng resolusyong humihiling kay Aklan 1st District Representative Carlito Marquez at 2nd District Representative Teodorico Haresco Jr. na tutulan ang nasabing panukala.

Ngunit wala aniya silang natanggap na komunikasyon mula sa dalawang kongresista ng Aklan kung kaya’t inaprubahan ng buong Sanggunian ang resolusyon

Sinisi din ni Quimpo sina Cong Haresco at Cong Marquez dahil wala na aniya silang natanggap na balita sa mga ito kaya noong Agosto 8 ay inaprubahan nila ang SP Resolution No. 2022-067 o ang resolusyong nagdedeklarang persona non grata sa apat na mga kongresista.

Dagdag pa ni Quimpo, Agusto 9 na sila nakatanggap ng sulat mula sa tanggapan ni Governor Jose Enrique M. Miraflores na galing naman sa tanggapan ni Cong. Haresco kung saan nagsasabing na-withdraw na ng mga proponent ang nasabing bill noong Agusto 3.

Giit pa ni VG Quimpo, kung naipaabot ng mas maaga sa SP Aklan ang naturang impormasyon ay hindi na sana naipasa ang resolusyong Persona Non Grata laban sa apat na mga Kongresista.