Aklan News
Wanted person arestado sa pagkuha ng police clearance sa Kalibo, Aklan
ARESTADO ang isang lalaki nang mabuking na wanted sa batas at may kinakaharap palang kasong criminal habang kumukuha ng police clearance sa tanggapan ng Kalibo Municipal Police Station nitong Agosto 17.
Ayon sa Kalibo PNP, habang pinoproseso ang aplikasyon nito para sa National Police Clearance ay lumabas sa database of PNP National Police Clearance System na mayroon pala itong pending na Warrant of Arrest sa kasong paglabag sa Section 5 ng RA 9262.
Ang naturang warrant of arrest ay may Criminal Case 118-SJDM-2022 na ibinaba ni Hon. Ma. Cristina Geronimo Juanson, Presiding Judge, Family Court, Branch 5, San Jose Del Monte, Bulacan at may petsang Abril 7, 2022.
Samantala, nagtakda naman ang korte ng piyansang P2,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.