Connect with us

Aklan News

Haresco, tinawag na “sampid” lang sa Tibyog ng kampo ni VG Boy Quimpo?

Published

on

“SAMPID KA LANG SA TIBYOG”

Ito ang maanghang na pasaring ni Aklan Sangguniang Panlalawigan Legislative Consultant Odon Bandiola laban kay Aklan 2nd District Representative Cong. Teodorico Haresco Jr.

Sa Facebook post ni Bandiola, tinawag nitong “pretender” at sinabing nakisakay lamang si Haresco sa local dominant political party sa Aklan na Tibyog para sa kanyang pansariling political agenda.

Hindi naman pinangalanan ni Bandiola si Cong. Haresco sa kanyang post pero may mga naniniwala na si Haresco ang tinutukoy nito.

Nitong mga nakaraang araw ay binatikos ni Haresco si Vice Governor at ang Sangguniang Panlalawigan dahil sa biglaang pagdeklara ng Persona Non Grata sa 4 na mga Kongresista na nag author ng BIDA Bill 2.

Ayon kay Haresco, hindi man lang daw muna sya tinawagan ng mga ito, ganung magkakasama naman sila sa Tibyog, para malaman nila na kinausap na nya ang mga kasamahang Kongresista at nakumbising iurong ang BIDA Bill 2.

Napahiya diumano sya sa mga Kongresista dahil sa ginawa ng Aklan SP na nagkulang sa koordinasyon.

Narito ang Facebook post ni Bandiola:

LET THE PRETENDER KNOW:

“SAMPID” KA LANG SA TIBYOG. IN FACT, YOU JUST HITCHRIDE IN THIS LOCAL DOMINANT POLITICAL PARTY TO ADVANCE YOUR OWN POLITICAL AGENDA.

BOY QUIMPO WAS THERE SINCE ITS BIRTH AS ITS LEGAL COUNSEL. HE WAS INTRUMENTAL IN UNITING THE OPPOSING POLITICAL PARTY LED BY HIS WIFE, FORMER CONGRESSWOMAN AND VICE GOVERNOR BILLIE’S “KUSOG” TO UNITE WITH TIBYOG. FROM THEN ON, NO LOCAL POLITICAL FORCE CAN TOPPLE THE FORMIDABLE TIBYOG FOUNDED BY BOY QUIMPO’S FIRST COUSIN, FORMER KALIBO MAYOR AND CONGRESSMAN ALLEN S. QUIMPO IN TANDEM WITH FORMER GOVERNOR AND CONGRESSMAN JOEBEN.

DO NOT MAKE A MISTAKE TO ASSAIL THE INDEPENDENCE AND INTEGRITY OF THE SP. NOT ONCE HAD CONGRESSMAN MARQUEZ, FORMER GOVERNOR, AND FORMER GOV AND CONGRESSMAN JOEBEN HAD DONE WHAT YOU ARE DOING NOW

Sa ngayon ay burado na ang naturang Facebook post ni Bandiola.

Wala pang opisyal na pahayag si Cong. Haresco tungkol dito.