Connect with us

Aklan News

Pagbukas ng bagong slaughterhouse sa Kalibo, na-delay

Published

on

Naantala ang pagbubukas ng bagong Kalibo Municipal Slaughterhouse na nakatakda sana sa buwan ng Hulyo.

Ayon kay Vice Mayor Cynthia Dela Cruz, nangako ang gumawa ng bagong Kalibo slaughterhouse na mabubuksan na ito sa Hulyo pero nang puntahan niya mismo ang lugar ay mukhang alanganin pa na magbukas ito.

Aniya ipatatawag nila ang Municipal Economic Enterprise Development Office (MEEDO) tungkol sa kung ano ang status ng slaughterhouse.

Saad ng bise  alkalde, posibleng naantala ang pagsasaayos nito dahil posibleng limitado ang budget o mga trabahador dahil sa pandemya.

Ang bagong slaughterhouse sa Kalibo na matatagpuan sa Brgy. Tinigaw ay sinimulang isailalim sa rehabilitasyon noon pang 2019 na nilaanan ng budget na P30 milyon./MAS