Regional News
305 wanted person sa Western Visayas, nalambat ng mga kapulisan sa loob lamang ng isang araw
Kabuuang 305 wanted persons ang nalambat ng Police Regional Office 6 sa loob ng isang araw na magkakasabay na operasyon laban sa mga may warrant of arrest.
Mula ito sa 1,216 na warrant of arrest na ikinasa ng iba’t ibang yunit ng pulisya sa Western Visayas.
Mula sa nasabing bilang, 24 ang kabilang sa Most Wanted Persons (MWP) at 28 naman ang Other Wanted Persons (OWP).
Sa pag-aresto sa mga MWP, ang lalawigan ng Iloilo ang may pinakamaraming bilang ng mga naaresto na may 9; sinundan ng Negros Occidental na may 8; Iloilo City, Antique at Guimaras na may dalawa at isa sa Bacolod City.
Samantala, sa pag-aresto naman sa mga OWPs ang Negros Occidental Police Provincial Office (PPO) ang nanguna na may157; sinundan ng Iloilo PPO na may 71; Bacolod City PO- 12; Antique PPO at Aklan PPO na may tig-11; Iloilo City PO- 8; Capiz PPO – 7 at 4 naman sa Guimaras PPO.
“This operation against wanted persons was ordered by the National Headquarters and it was simultaneously done regionwide yesterday, August 30” ani PBGen Leo M Francisco, PRO6 Regional Director.
“Congratulations at ipagpatuloy natin ang ating kampanya laban sa mga wanted persons. Hangad po natin na mahuli ang mga natitira para hindi na sila makagawa ng anumang krimen at mapanagot sila sa batas.” dagdag ni PBGen Francisco.