Connect with us

Aklan News

MSWDO Kalibo, planong dalhin si Pane sa National Center For Mental Health sa Mandaluyong

Published

on

Plano ngayon ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) Kalibo na dalhin si Panie sa National Center For Mental Health sa Mandaluyong.

Ito ay upang mas mabigyan siya ng kaukulang medikasyon lalo na sa kanyang mental aspect.

Sa panayam ng Radyo Todo kay Kalibo MSWD Officer Ms. Lolly R. Espino, sinabi nito na ginagawan na nila ng key studies si Panie dahil wala nang pamilya na maaaring mag-alaga dito.

May natitirang pamilya aniya ito ngunit katulad din nito na mentally challenge individuals.

Saad pa ni Espino, sakaling madala si Panie sa National Center For Mental Health, hindi pa sigurado kung i-aadmit siya dahil dedepende pa rin ito assessment ng mga doctor.

“Ro ano malang kara naton kung i-ano [daehon] imaw idto hay ro ga-assess baea kana nga doctor, [siyempre, gina-assess ro mga gina-refer idto], kung i-admit or indi. Depende mat-a ron sa assessment idto nanda kung i-admit imaw.”

Dahil dito aniya kaya gagawan nila si Pane ng key study na wala na siyang pamilyang mag-aalaga at siya ay may deperensiya sa pag-iisip dahil hindi na normal ang kanyang mga ginagawa./SM