Aklan News
Construction worker, naka-ICU matapos makuryente sa isla ng Boracay
Naka-confine ngayon sa Intensive Care Unit (ICU) ng Aklan Provincial Hospital ang isang construction worker matapos makuryente habang nagtatrabaho sa isang construction site isla ng Boracay.
Nakilala ang biktima na si Jeryl Lloyd Solibio, 37-anyos at residente ng Barangay Laserna, Nabas.
Batay sa impormasyong nakuha ng Radyo Todo, habang binubuhat ng biktima ang isang tubo ay aksidente itong tumama sa mainline ng kuryente ng AKELCO dahilan para siya ay makuryente.
Dahil sa nangyari, nananatiling confine at ino-obserbahan pa sa ICU ng ospital si Solibio matapos magtamo ng sugat sa kanyang kamay at paa./SM
Continue Reading