Aklan News
3 motor na nakaparada inararo ng kotse, driver na nagpahabol nahuli
![](https://radyotodo.ph/wp-content/uploads/2022/09/NEW-SIZE-FOR-WEB-2-1.jpg)
![](https://radyotodo.ph/wp-content/uploads/2022/09/NEW-SIZE-FOR-WEB-2-1.jpg)
INARARO ng isang kotse ang tatlong motorsiklong nakaparada sa may J Cardinal Sin Avenue, Kalibo.
Kinilala ang driver ng kotseng si Silverio Laborte Jr, 35, tubong La Castellana, Negros Occidental.
Nakilala naman ang mga may-ari ng motor na sina Mark Lesther Joshua Roldan, Ma. Junelyn Francisco at Irylle Arranguez.
Batay sa pulisya, lasing si Laborte habang nagmamaneho ng sasakyan mula sa New Washington papuntang Poblacion, Kalibo nang mangyari ang aksidente kaninang madaling araw sa harap ng isang bar.
Sinubukan pang tumakas nang suspek pero kalaunan ay nahabol din ito.
Wala namang nabanggit na nasugatan sa insidente.
Nakapiit na ang suspek sa Kalibo PNP para sa karampatang disposisyon.
Continue Reading