Aklan News
301 Aklanon, target na mabigyan ng educational cash aid bukas
Nasa 301 na Aklanon benefeciaries na lamang ang target ng DSWD na mabigyan ng educational cash aid sa ikatlong pay-out sa lalawigan ng Aklan bukas, Setyembre a-10.
Sa panayam ng Radyo Todo kay Beverly Salazar, Provincial Link ng 4Ps at namamahala sa educational cash aid distribution sa Aklan, inihayag niya na ito ay upang bigyan-daan ang mga nauna nang nagparehistro.
Aniya, nitong Setyembre a-7 ay pansamantalang itinigil ng DSWD ang pagtanggap ng online registration para sa isinasagawa nilang cross-matching.
Ipinaliwanag ni Salazar na ang cross-matching ay isang proseso para malaman kung ang mga nagpa-rehistro ba ay kwalipikado at kung wala pang financial assistance na natatanggap mula sa pamahalaan.
Dito rin sinasala ang mga aplikante kung sila ba ay miyembro ng 4ps or iba pang programa ng gobyerno.
Napag-alaman na mayroong 291, 744 na aplikante ang kailangan nilang isailalim sa cross-matching./SM