Connect with us

Aklan News

Opening Salvo ng Ati-atihan Festival 2023 maraming pasabog

Published

on

INAABANGAN na ng publiko ang mga pasabog ng lokal na pamahalaan ng Kalibo para sa Opening Salvo ng Kalibo Ati-atihan Festival 2023 sa darating na Oktubre 8.

Ang opening Salvo ngayong taon ay kasabay ng State of the Municipality Address (SOMA) o ika-100 days ni Kalibo Mayor Juris Bautista Sucro.

Ayon kay Ms. Rea Rose Ibesate, Tourism Officer ng LGU Kalibo, hindi pa nila puwedeng isiwalat ang mga detalye ng nasabing aktibidad ngunit pagpapasiguro nito na maraming aabangan at sorpresang inihanda ang LGU Kalibo para sa publiko.

Dagdag pa nito, bukas sa lahat ng tribu at mga nais sumali ang Opening Salvo sa Oktubre a-8.

Nauna nang inihayag ng lokal na pamahalaan na magiging face-to-face na ang selebrasyon ng Sto. Nino Ati-atihan Festival 2023.

Matatandaan, sa nakalipas na dalawang taon, virtual lamang ang selebrasyon ng Ati-atihan dahil sa COVID-19 pandemic.

Ang Kalibo Ati-atihan Festival ay tinaguriang “Mother of All Philippine Festivals,” na ipinagdiriwang tuwing Enero sa Kalibo, Aklan.