Aklan News
32-anyos na catering agent arestado sa drug buy-bust ops
ARESTADO ang isang catering agent na tulak ng droga sa ikinasang buy-bust operation ng PDEA, PDEU-Aklan at Kalibo PNP nito lamang Lunes, Setyembre 12, 2022.
Kinilala ni PLt.Col. Frency Andrade, hepe ng PDEU-Aklan, ang suspek na si Robin Sijera, 32 at residente ng New Buswang, Kalibo.
Nakuha mula sa suspek ang 1 sachet ng hinihinalang shabu kapalit ng P1,500 na buy-bust money.
Samantala, nakuha naman ang sa isinagawang body search at inventory sa suspek ang dagdag na apat na sachet ng hinihinalang shabu na nakuha mula sa loob ng kanyang back pack kung saan nakalagay ito sa tinuping papel at mayroon pang itinago sa loob ng face mask.
Nakuha rin mula sa kanyang bag ang aluminum foil, improvised clipper, lighter, cellphone at cash na aabot sa P5,771.
Ayon pa kay Andrade, isa si Sijera sa mga itinuturing na Street Value Target kung saan kumukuha ito ng suplay ng droga sa loob at labas ng Aklan.
Area of coverage din aniya ng suspek ang tatlong bayan ng Tangalan, Numancia at Kalibo.
Samantala, wala pang impormasyon ang hepe ng PDEU kung samgkot din si Sijera sa pagpasok ng illegal na droga sa isla ng Boracay.
Lumitaw lamang ang kanyang pangalan nitong Hulyo kasunod ng mga nauna nang operasyon ng awtoridad kontra iligal na droga.