Connect with us

Aklan News

Pagsusuot ng face mask sa Boracay boluntaryo na sa mga open spaces

Published

on

File Photo: Mary Ann Solis/Radyo Todo

Pwede nang magtanggal ng facemask ang mga bakasyunista sa isla ng Boracay kapag pumupunta sa labas.

Kasunod ito ng inilabas na Executive Order No. 26, series of 2022 si Malay Mayor Frolibar Bautista na nagpapatupad ng pansamantalang pagsuspinde ng ilang probisyon ng Municipal Ordinance No. 470 partikular sa pagsusuot ng face masks.

Batay sa Lokal na Pamahalaan ng Malay, nakikiisa sila sa Malacañang sa pagpapatupad ng Executive Order No. 03, series of 2022 na pinirmahan kahapon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa ilalim ng Executive Order No. 3 ng pangulo, boluntaryo na lang ang pagsusuot ng face mask pagdating sa mga open at non-crowded outdoor area na may sapat na bentilasyon.

Pero hindi kasama dito ang mga senior citizens at ang mga may comorbidities o immunocompromised na indibidwal.

Kahit na boluntaryo na ang pagsuot ng facemask, hinihikayat pa rin ito sa mga nasa matataong lugar, nasa loob ng mga gusali/establisimyento at sa mga pampublikong sasakyan.