Aklan News
Probinsya ng Aklan 100% drug-free na batay sa PDEA
Iniulat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na 100% drug-free na ang probinsya ng Aklan.
Sa courtesy call ng PDEA kahapon sa opisina ni Vice Mayor Cynthia dela Cruz, pinag-usapan nila ang status ng ongoing construction ng Balay Silangan, update sa Barangay Drug Clearing Program at mga planong pagsagawa ng anti-illegal drug advocacy activities.
Ayon sa bise alkalde, 100% drug-free na ang Aklan batay sa evaluation ng regional team ng PDEA, Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Health (DOH) at Philippine National Police (PNP).
Nakakuha naman ng 99.66% ang Antique, 98.26% ang Iloilo Province, 96.94% ang Guimaras , 89.85 ang Capiz, 57.74% ang Negros Occidental, 51.67% ang Iloilo City at Bacolod City na nakakuha ng 21.31%.
Batay pa sa ulat, ang buong Western Visayas ay 88.35% drug cleared na.
Kaugnay nito, binati rin ni Dela Cruz ang Brgy. Briones sa pamumuno ni Punong Barangay Rafael Briones dahil idineklara itong unaffected barangay o no drug case since then.
Kung matatandaan, nito lamang Lunes, isang 32-anyos na catering agent na tulak ng droga ang naaresto sa buy bust sa bayan ng Kalibo.
Ayon kay PLt.Col. Frency Andrade, hepe ng PDEU-Aklan, ang suspek na si Robin Sijera ay isa mga itinuturing na Street Value Target kung saan kumukuha ito ng suplay ng droga sa loob at labas ng Aklan.