Connect with us

Aklan News

Mga produktong karne ‘Temporary Banned’ sa Aklan

Published

on

Kalibo, Aklan – Pansamantalang ipinagbawal sa loob ng 90 araw ang pagpasok ng mga produktong karne mula sa labas ng probinsya dahil sa isyu ng African Swine Fever na nakakaapekto sa ilang bahagi ng bansa.

Epektibo na mula September 27 ang Executive Order No. 046 na ipinalabas ni Aklan Governor Florencio Miraflores upang protektahan ang swine industry sa probinsya.

Mahigpit ngayon na binabantayan ang mga pantalan at paliparan upang walang makalusot na karne ng baboy o mga processed at canned foods dahil maaring nagtataglay rin ito ng nabanggit na sakit.

Maliban dito, nagsasagawa na rin ng mga random inspections sa mga checkpoints at quarantine sites.

Kaugnay nito, nauna nang nagpatupad ng temporary ban sa mga meat products ang Cebu at Bohol.