Connect with us

Aklan News

112 benepisyaryong Aklanon napamahagian ng DSWD educational cash aid sa ikalimang payout

Published

on

KABUUANG 112 na benepisyaryong Aklanon ang nakatanggap ng educational cash assistance mula sa target na 115 na mga Students-in-Crisis ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 6 nitong Sabado, Setyembre a-19.

Sa nasabing bilang, 32 ang benepisyaryo mula sa Elementarya, 29 ang High School students, 29 ang mga Senior High School, at 22 naman ang nasa kolehiyo.

Sa kabuuan, umaabot sa P265,000 pesos ng educational cash aid ang naipamahagi ng DSWD sa mga benepisyaryong Aklanon.

Nabatid na nauna nang naglabas ng anunsiyo ang DSWD 6 na wala nang mangyayaring distribution dahil naubos na ang pondo mula sa central office.

Ngunit muling inanunsiyo ng DSWD Field Office VI na tuloy ang pamamahagi ng AICS educational assistance para sa ngayong araw at sa susunod na Sabado Setyembre 24 dahil nagbigay ng karagdagang P26 million na pondo ang DSWD Central Office para sa  DWSD 6 na gagamitin sa buong Western Visayas.