Connect with us

Aklan News

Roll-out ng printable ID, ikakasa ng PSA sa Oktubre

Published

on

Sisimulan na ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang roll-out ng printable ID sa buwan ng Oktubre.

Sa panayam ng Radyo Todo kay PSA-Aklan Statistical Supervising Specialist Rodelyn Panadero, inihayag nito na sa Oktubre a-3 ay sisimulan na nila ang roll-out ng mga printable Philsys ID sa lalawigan ng Aklan.

“This coming October 3 hay raya eon ro roll-out it ginatawag naton nga printable ID.

Aniya, pagkakataon ito ng mga Aklanon na kailangan na ng ID at hindi na makapaghintay sa digital version na ilalabas ng PSA.

Dalhin lamang ang tracking ID para sa beripikasyon.

Ito ay pansamantala lamang habang hindi pa dumadating ang inyong Philsys ID.

“Duyon eot-a ro imo nga pinaka-ID ugaling bukon pa imaw it ginatawag naton nga parang template gid. Ruyon hay para sa immediate need eang baea imaw mintras owa pa kaabot inyo ngaron nga ID.”

Napag-alaman na mahigit 72 million ang nag-apply ng ng Philippine Identification System o PHILSYS para sa National ID System subalit iilan pa lamang ang nakatanggap at may hawak na nito.