Connect with us

Aklan News

TARGET NAKAPUSLIT | Bahay ng isang dive instructor sa Boracay ni-raid, granada, baril at mga bala narekober

Published

on

ISANG granada, calibre .45 na baril at mga bala ang nakumpiska ng mga awtoridad sa pagpapatupad ng search warrant laban sa isang dive instructor sa isla ng Boracay, nitong Setyembre a-22.

Pinuntahan ng raiding team sa pangunguna ni P/Lt. Conrado Espino Jr. ng Malay PNP ang isang bahay sa Sitio Pinaungon, Barangay Balabag, Malay, Aklan.

Ngunit wala na sa kanyang bahay ang suspek na nakilalang si Marvin Sibulan ng isilbi ng mga pulis ang search warrant.

Hinalughog ng raiding team ang loob ng bahay kasama ang presensiya ng media, barangay officials at pamangkin ng suspek.

Ayon kay P/Lt Espino, inisyu ang search warrant matapos makatanggap ang mga ito ng impormasyon na may baril na hindi lisensiyado ang suspek.

Aniya pa, noong 2016 pa napaso ang lisensiya ng baril ng suspek ngunit hindi niya pa rin ito nire-renew at hindi rin isinurender sa mga kapulisan.

Maliban pa dito ay may mga reklamo din silang natatanggap na nagpaputok ng baril si Sibulan na nagdudulot ng takot sa mga kabitbahay nito.

Ang warrant of arrest ay ibinaba ni Hon. Bienvenido P. Barrios Jr., na may petsang 20, 2022.

Dahil dito, mahaharap si Sibulan sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.