Connect with us

Aklan News

Suspek na bumaril-patay sa isang senior citizen sa Brgy. Polocate, Banga, hindi lang isa – Banga PNP

Published

on

Dalawa ang itinuturong suspek na bumaril-patay sa isang 67-anyos na lolo sa Brgy. Polocate, Banga, Aklan.

Ito, ayon kay PSSgt. Danilo Dalida, imbestigador Banga PNP ay batay sa salaysay sa apo ng biktimang si Armando Gumban alyas Bonjing.

“Ro mga suspetsado hay bukon eang it sambilog kundi daywa. Raya hay base sa naging salaysay it apo it rayang biktima. Although indi na ma-identify ro suspek sa makaron dahil nasa state of shock pa imaw.”

“Mahambae naton nga daywa kara ro gunman dahil ro aton nga na-recover na basiwo hay ana it .45 tsaka 9mm,” dagdag pa ni Pssgt. Dalida.

Ngunit hindi ito makilala ng apo ng biktima dahil madilim na ng mga oras na iyon at tanging nakita lamang nito ay may lalaking tangging “Bonjing” lamang ang binibigkas.

Nakasuot aniya ito ng facemask, helmet at jacket.

Samantala, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Banga PNP sa nangyaring pamamaril kung saan mayroon ng silang anggulong tinitingnan na maaring motibo ng mga suspek sa ginawang krimen.|SM