Connect with us

Aklan News

Ahas, tuko kadalasang dahilan ng unscheduled power interruptions sa Aklan

Published

on

Isa sa mga itinuturong dahilan kung bakit nagkakaroon ng palagiang unscheduled power interruptions ay ang mga ahas at tuko o ang tinatawag na animal intrusion sa mga linya ng kuryente.

Ito ang paliwanag ng Aklan Electric Cooperative (AKELCO) at National Grid Corporation of the Philippine (NGCP) sa isinagawang legislative inquiry ng Sangguniang Panlalawigan nitong Setyembre a-27.

Ayon kay AKELCO Acting Manager Atty. Ariel Gepty, maliban aniya sa animal intrusion, hindi rin maiiwasan ang pagkasira ng kanilang transmission lines at ang man-made acts kagaya ng pagpuputol ng mga puno sa ilalim ng kanilang transmission lines.

Samantala, mayroon na aniya silang corrective at remedial actions para dito.

Kaugnay nito, nagpahayag din ang pamunuan ng NGCP na mayroon na silang preventive measures upang mabawasan ang mga nangyayaring unschedule power interruptions.