Aklan News
Engineer na sakay ng kanyang tricycle nabagsakan ng puno ng niyog
Nagtamo ng mga galos sa kanyang katawan ang isang Engineer matapos matumbahan ng puno ng niyog ang kanyang minamanehong tricycle kahapon ng tanghali sa Brgy. Sta Ana, Pandan, Antique.
Kinilala ang biktima na si Engineer Lowel Salido, 40 anyos ng Brgy.Maloco, Ibajay Aklan.
Ayon sa ulat na nag inspection ng kanyang mga proyekto ang biktima at habang pauwi na ito sakay ng kanyang tricycle pag dating sa Brgy. Sta. Ana ay aksidente itong natumbahan ng puno ng niyog.
Dahil sa lakas ng pagkatumba ng puno sa kanyang tricycle nawalan ng malay ang biktima.
Sa ngayon ay nagpapagaling na ito sa Provincial Hospital.
Continue Reading