Aklan News
Tiyuhin hinampas ng tubo ng pamangkin


Bumagsak sa ospital ang isang lalaki matapos hampasin ng tubo ng kanyang pamangkin. Nangyari ang insidente alas 6 kagabi sa Pudiot, Tangalan.
Kinilala ang biktima na si Ron Taladtad, 41 anyos at ang suspek ay kinilala rin na si Niño Taladtad ng nasabing lugar.
Ayon sa biktima na pauwi na ito sa kanilang bahay ng makasalubong nya ang suspect na muntik na silang magbanggaan.
Sinabihan umano ng biktima na suntukin ang suspek na ikinagalit nito.
Makalipas ang ilang minuto habang nakaupo sa kanyang motorsiklo ang biktima ay dumating ang suspek at hinampas ito sa kanyang likod at iba pang parti ng kanyang katawan gamit ang tubo.
Agad namang nakarating ang nangyaring insidente sa ilang residente sa lugar at tinulungan ang biktima at dinala sa Provincial Hospital.
Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Tangalan PNP ang suspek at handang mag sampa ng kaso ang biktima.