Connect with us

Aklan News

Dr. Bong Cuachon sinagot ang isyu hinggil sa One Covid Allowance ng mga empleyado ng Aklan Provincial Hospital

Published

on

BINIGYAN-LINAW ni Dr. Cornelio “Bong” Cuachon Jr., Chief of Hospital ng Dr. Rafael S. Tumbukon Memorial Hospital (DRSTMH).ang isyu hinggil sa umano’y delay na One Covid Allowance (OCA) ng kanilang mga empleyado.

Ito ay kasunod ng ipinaabot na hinaing ng ilang mga empleyado ng ospital na ayon sa kanila ay wala pa rin ang kanilang inaasahang OCA samantalang nakatanggap na anila ang ibang ospital.

Ayon pa sa isang empleyado ng ospital na naka-usap ng Radyo Todo na hindi na nagpabanggit ng pangalan, kaya hindi pa rin nila natatanggap ang kanilang OCA ay dahil sa palpak at kulang-kulang na mga dokumento ng kanilang Electronic Health Management Information System  o EHMIS.

Ito umano ang dahilan kung bakit na-declined ang kanilang mga papeles.

Samantala, sa panayam naman ng Radyo Todo kay Dr. Cuachon, pinabulaanan nito na ang EHMIS ang dahilan kung bakit hindi pa sila nakakatanggap ng OCA.

Ani Cuachon, walang problema sa pamunuan ng EHMIS na pinangungunahan ni Janice Barrientos.

Sa katunayan aniya palagi siyang ina-update ni Barrientos tungkol sa OCA at naglabas na rin si Cuachon ng advisory hinggil dito.

“Ro OCA abi ngara is from January to June only, because ro July to December hay may bag-o eoman, ginbayluhan it pangaean… ro aton nga Health Emergency Allowance. Pero so far, owa pat-a kita karon. Ro ha-upload paeang it DRSTMH was January to June… six months. Ro problema, pag-upload ku January to June hay may mga personnel nga owa ta ma-include. That’s why, nagsueat ro DRSTMH sa Regional Office, nga i-letter request nga para ma-disapproved ro first nga gin-upload and then para maka- reupload kita it updated nga listahan,” paliwanag nito.

Giit pa nito, “So tanan nga mga gina-ubra iya parte sa OCA is gaagi sa region and at the same time ro final nga approval will be the central office. So owa man kami nagkueang it pag-inform kasi kung amat ga-direkta eon ngani kami sa central office. Ro may nakita nga problema hay medyo iya ta sa Region because as early as July nagsueat it letter pero ha-forward eot-a it Region hay matsa September 19 eot-a. Pero every now and then hay naga-update man kami iya. So duyon ro status makaron.” |SM