Connect with us

Aklan News

Magpinsan bumangga sa tricycle, isa patay

Published

on

Patay ang isang 26 anyos na lalaki matapos bumangga ang kanilang sinasakyang motorsiklo kahapon ng madaling araw sa boundary ng Linabuan Norte at Tigayon, Kalibo.

Kinilala ang driver ng motorsiklo na si Roderick Rebano, 26 anyos, angkas nito ang kanyang pinsan na si Jundel Rebano, 20 anyos ng Linabuan Norte, Kalibo.

Napag-alaman na galing sa isang bar sa bayan ng Kalibo ang dalawa at ng pauwi na ang mga ito sakay ng motorsiklo nang may isang tricycle naman sa kanilang unahan na bigla na lamang lumiko at sa bilis ng kanilang takbo ay bumangga ang mga ito.

Agad silang dinala sa Provincial Hospital matapos ang aksidente at habang ginagamot si Roderick ay binawian ito ng buhay alas-3:00 Lunes ng hapon.

Habang si Jundel naman ay patuloy pang ginagamot sa nasabing ospital.