Connect with us

Aklan News

Pagpapailaw ng streetlights sa Boracay, obligasyon na ng Aklan LGU

Published

on

Nasa kamay na ng lokal na pamahalaan ng Aklan ang pagpapailaw ng mga streetlights sa isla ng Boracay.

Ito ang kinumpirma ni Engr. Jose Al Fruto, Asst. Regional Director ng DPWH6 sa panayam ng Radyo Todo.

Sinabi ni Al Fruto na obligasyon na ng Aklan Provincial Government ang pagpapailaw at maintenance ng mga streetlights matapos nilang iturn over noong nakaraang Hunyo.

Kasama diumano ang streetlights sa mga components ng Boracay Circumferential road na isinailalim sa rehabilitasyon sa nakaraang administrasyon dahil ito ay na-classify bilang provincial road.

“We have turned over already all the completed sections sang circumferential road nga naubra from Cagban Port to city mall and the portion of Cagban Port to Tambisaan,” saad niya.

Noong June 16, 2022, itinurn-over ng Boracay Inter-Agency Task Force (BIATF) ang responsibilidad sa pagpapatuloy ng rehabilitasyon ng Boracay sa Aklan provincial government at municipal government ng Malay.

Ito ay dahil nagtapos na noong June 30, 2022 ang termino ng BIATF na pinalawig ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng Executive Order 147.

Ang mga streetlights ay kombinasyon umano ng mga solar at LED lights na bahagi ng inisyal na proyekto sa Phase 1 at 2 at iginiit nito na ang lahat ng ito ay nai-turn over na nila sa lokal na pamahalaan kabilang na ang vegetation.

“Ini tanan na turn over naton sa provincial government during that time, including everything.”

Dagdag pa niya, “I’ll be confirming this also with the provincial government, nga they will be the one to administer and maintain”

Malinaw naman aniya na tinanggap na ng gobyerno probinsyal ang mga responsibilidad na ito.

Sa ngayon, hindi gumagana ang ilaw ng mga streetlights sa Boracay lalo na kung gabi.

Dahil dito ay makikipag ugnayan ang DPWH sa LGUs ng Aklan at Malay para mapagana na ang pagpapailaw sa naturang proyekto.