Connect with us

Aklan News

E-trike sa Boracay naaksidente matapos mawalan ng preno, 9 na turista sugatan

Published

on

Isinugod sa ospital ang 9 na turista at ang drayber ng isang E-trike sa Boracay makaraang masangkot sa aksidente pasado alas-2 kahapon, Oktubre 12.

Kinilala ang drayber ng E-trike na si Ariel Tablate, 34 taong gulang ng Sitio Cagban, Manocmanoc Boracay.

Kinilala naman ang mga pasahero na sina:

Mikaela Viscarra, 29, Parañaque

John Dominic Viscarra, 32, Parañaque

Shiela Chan, 32, Sta. Mesa, Manila

Margen Simbulan, Bacoor, Cavite

Louisse Austero, 63, Bacoor, Cavite

Eric Jesus Austero, 28, Bacoor, Cavite

Erilou Anne Austero, 32, Bacoor, Cavite

Jesus Eric Austero, 64, Bacoor, Cavite

Erise Lorrein Calderon, 11, Bacoor, Cavite

Batay sa imbestigasyon ng mga otoridad, ihahatid na sana ng driver ang mga pasahero sa New Coast Boracay Resort sa Yapak.

Pero nawalan ito ng preno pagdating sa paibabang bahagi ng kalsada.

Sinubukan pa ng driver na makaiwas aksidente pero bumangga pa rin ito sa gutter at tumumba dahilan na nagtamo ng mga minor injuries sa katawan ang mga biktima.

Mabilis na binigyan ng first aid ang mga biktima at dinala sa Ciriaco S. Tirol Memorial Hospital.

Pero kalaunan ay inilipat ang 5 biktima sa isang pribadong hospital sa Kalibo habang ang driver na si Tablate ay confined naman sa Aklan Provincial Hospital.