National News
Korte Suprema, tututukan ang mga kaso ng paglabag sa Intellectual Property Law
Dahil sa patuloy na pagtaas ng mga insidente ng paglabag sa Intellectual Property Law, inatasan ng Intellectual Property Office of the Philippines (Ipophil) ang Korte Suprema na dagdagan ang mga korteng tututok sa mga kasong may kinalaman dito, partikular na sa mga kasong gaya ng trademark infringements.
Ang intellectual property right ay ang legal na karapatan ng isang tao na bigyang proteksyon ang kaniyang mga ideya, isinulat, imbensyon, at iba pang likha sa larangan ng industriya, agham, literatura, sining, at iba pa.
Sa kasalukuyan, ang mga ganitong uri ng korte o yaong mga tinatawag na special commercial courts ay matatagpuan lamang sa mga lungsod ng Pasig, Makati, Manila, at Quezon.
Ayon sa pahayag ni Ipophil director Josephine Santiago, ang pagtatalaga ng mga korte para sa intellectual property sa iba’t ibang panig ng Metro Visayas, Metro Mindanao and Metro Northern Luzon, “will further bolster the Philippines’ standing in the areas of rule of law and administration of justice.”
Sources:
https://business.inquirer.net
https://m.infoentrepreneurs.org