Connect with us

Aklan News

Lalaking nahulog sa bangka, nasagip ng mga life guard

Published

on

PHOTO: Cris Daisog/Facebook

Nailigtas ng tatlong life guard ang isang lalaking aksidenteng nahulog sa bangka na galing sa Tablas Island papuntang Caticlan.

Batay sa facebook post ng isa sa mga life guard na si Cris Daisog, hindi inaasahang nalaglag ang biktimang si Lolong Galan habang nagmamaneho ng bangka.

Maswerte namang mabilis silang nakaresponde ng kanyang mga kasamahang sina Herbert Ursua at Alvin Mirandilla at nasagip si Galan.

Kasama ng biktima ang kanyang asawa nang maganap ang aksidente.

Paalala ni Daisog sa mga tumatawid sa dagat na huwag na kalimutan na magsuot palagi ng life jacket.