Connect with us

Aklan News

Pamilya ng binaril-patay sa Boracay, maaaring mag-file ng motion for prelimenary investigation – Malay PNP chief

Published

on

Maaring magsampa ng motion for preliminary investigation ang pamilya ni Benjie Quiatchon matapos mahulog sa homicide ang kaso laban sa suspek na si PSSgt. Lloyd Reymundo.

Ayon kay Malay PNP Chief, PLt. Col. Don Dicksie De Dios, hindi lang ang akusado ang maaring mag-request for preliminary investigation kundi pwede rin iyong pamilya ng biktima.

“This family can file a motion for requesting the court to conduct a preliminary investigation dun sa kaso. Hindi lang naman kasi yung akusado ang puwedeng mag-request for preliminary investigation, pwede rin po yung ating pamilya ng biktima, ani De Dios.

Ipinaliwanag naman ni Dios kung bakit nahulog lamang sa homicide ang kanilang isinampang kaso.

Aniya ito ay dahil nakadepende sa magiging appreciation ng prosecutor.

Saad pa ng hepe, ibinigay naman ng Malay PNP ang lahat ng element na kanilang nakita sa pangyayari gayundin ang mga circumstantial evidence.

“Sa part ng Malay PNP, dun sa case referral complaint namin naibigay na namin lahat ng elemento na nakikita namin doon sa pangyayari na pinagtulong-tulungan na imbestigahan ng ating mga imbestigador po dito at saka ng mga operatiba kasama na rin po yung scene of the crime operation po natin dun sa other circumstantial evidence natin. So yung qualifying circumstances isinama na namin doon kaya lang katulad nga ng sinabi ko, magdedepende pa rin yan sa appreciation ng duty prosecutor that time na si Deputy Provincial Prosecutor Reynaldo Peralta Jr. Anyway ang appreciation niya kasi is homicide lang yung nangyari at hindi papasok sa murder,” pahayag pa ni De Dios.